Masayang ibinahagi ng National Commission on Muslim Affairs na walang naiwan na mga Muslim Filipino para sa taunang Hajj na ginagawa sa Saudi Arabia.
Ito ay dahil sa pagtutulungan ng NCMA, Bureau of Immigration, Department of Justice at Department of Transportation.
Sa isang press conference, sinabi ni NCMA Commissioner Yusoph Mando, walang naitala na mga stranded na nagtungo sa Mecca para dumalo sa 2023 Hajj.
Isa sa naging hakbang para maisakatuparan ang zero-stranded Muslim Filipino ay ang mas maagang koordinasyon ng Muslim community sa mga ahensya ng pamahalaan para agad ma-clear agad ang record ng isang traveler.
Bukod dito, malaki din ang naiambag sa ekonomiya ng bansa ang pilgrimage ngayong taon dahil umabot sa 7,418 ang mga bumiyahe patungong Saudi Arabia.
Samantala, welcome naman sa NCMA ang bagong guidelines ng DOJ at Bureau of Investigation para sa mga outbound Filipino Travelers upang maiwasan ang Human Trafficking. | ulat ni Michael Rogas