Winaive ng e-wallet company na GCash, ang QRPH transaction fees o merchant discount rates (MDRs) para sa micro-merchants na gumagamit ng scan-to-pay service, hanggang katapusan ng 2023.
Bukod dito, ang micro-merchants ay may access sa tinaasang wallet limit na hanggang ₱500,000 kada buwan. Gayundin, ang1.5% transaction fee ay naka-waive hanggang ₱100,000 na gross sales.
Ang e-wallets at iba pang payment platforms ay naniningil ng fees na hanggang 2% para sa paggamit ng kanilang cashless transaction services tulad ng QR-based at card payments.
Ayon kay Ren-Ren Reyes, ang President and CEO ng G-Xchange, Inc., ang mobile wallet operator ng GCash, ang naturang fee waiver, ay nangangahulugan ng mas malaking kita para sa maliliit na negosyante.
Ang micro-merchants ay yung may mga negosyo na mas maliit ang sukat, tulad ng sari-sari store owners, public market vendors, at online sellers.
Ang paggamit ng scan-to-pay ng GCash ay nagbibigay-daan sa mas mabilis na pag-track ng bayad na natanggap para sa merchants nang walang ipinapataw na karagdagang halaga, maging para sa kanilang mga customer. | ulat ni Lorenz Tanjoco