Magtutulungan ang Land transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO), para i-monitor ang mga kolorum na school bus kasabay ng pagbubukas ng klase sa August 29.
Babala ni LTFRB Executive Director Roberto Peig, hindi na dapat tangkilikin ng publiko ang mga kolorum na sasakyan na namamasada.
Ani Peig, delikado ang mga ito dahil hindi sumailalim sa mga pagsusuri ng LTFRB na posibleng magdulot ng peligro sa mga pasahero.
Tiniyak naman ng opisyal, na may sapat na public utility vehicle sa pagbabalik eskwela para maghatid sa mga mag-aaral sa kanilang mga paaralan.
Nagpaalala naman ang LTFRB sa mga driver ng mga public utility vehicle, sa pagbibigay ng 20 percent na discount sa pasahe ng mga estudyante.
May nakalatag nang mga hakbang ang local transport groups na makakatuwang ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtitiyak na magiging ligtas, maayos at maginhawa ang pagbabalik eskwela. | ulat ni Diane Lear