Mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nangako na iba-validate ang umano’y pagtaas sa numero ng ‘drug-related deaths’ sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.
Sa deliberasyon ng panukalang budget ng ahensya, sinabi ni ACT-Teachers Party-list Representative France Castro, na sa inilathalang report ng University of the Philippines Third World Studies Center (UP TWSC)—hanggang noong June 30 ay may naitalang 342 drug-related killings.
Mas mataas kumpara sa 302 noong Duterte administration.
Pero ayon kay Remulla, kailangan pa nilang alamin kung totoo nga ba ang naturang datos.
Pero hirit ni Castro, ang pinagbatayang datos ay galing sa Philippine National Police.
Sagot naman ni Remulla, na kakausapin nila ang National Bureau of Investigation at ang kapulisan kung ano ang naging basehan ng naturang datos.
“Basta yung data po na yan ay gusto po naming malaman at makita, at ito po ay aming iva-validate kung totoo po yan. Pwede ho naming tanungin siguro sa NBI at tsaka sa pulis kung ano ang basehan ng lahat ng data na ito,” tugon ni Remulla. | ulat ni Kathleen Forbes