Mga manonood ng FIBA World Cup, may libreng toll sa Ciudad de Victoria Northbound Exit Plaza simula mamayang tanghali

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news para sa susuporta sa Team Pilipinas dahil may libreng toll sa NLEX papasok ng Ciudad de Victoria simula mamayang tanghali.

Sa inilabas na abiso ng NLEX, epektibo ang free toll para sa Class 1 vehicles na papasok ng Ciudad de Victoria Northbound Exit Plaza simula mamayang alas-12 ng tanghali hanggang alas-3 ng hapon.

Ito ay para sa mga manonood ng FIBA Basketball World Cup mamayang hapon.

Ayon sa NLEX Corporation, ang mga toll fee na mababawas sa RFID users na papasok sa Ciudad de Victoria Northbound Exit Plaza ay maibabalik rin sa kanilang RFID account matapos ang system verification.

Paglilinaw naman ng NLEX, ang toll fee reversal ay applicable lamang sa RFID subscribers na may sapat na account balance at magandang credit standing.

Una na ring sinabi ng NLEX na inaasahang bibigat ang trapiko sa ilang bahagi ng expressway partikular na makararanas ng pagsikip ng trapiko ang patungo ng Bocaue/Santa Maria dahil sa FIBA World Cup.

Dahil dito, pinapayuhan na ang mga motoristang maglaan ng mas maraming oras kung hindi maiiwasang bumiyahe ngayong Biyernes.

Samantala, as of 5:33am, maluwag pa ang daloy ng trapiko sa NLEX.

May 1.7km traffic build up lamang sa Marilao Northbound. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us