53 bus units, binigyan ng special permit ng LTFRB para magamit sa 2023 Fiba World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit sa ilang piling Public Utility Bus (PUB) na gagamitin sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Ayon sa LTFRB, aabot sa 53 bus units ang ginawaran nito ng special permit na tatagal hanggang sa September 17.

Partikular na gagamitin ang mga bus sa paghatid ng mga manlalaro at spectators mula sa 16 na mga bansang kalahok sa naturang laro.

Dahil dito, ang mga bus na ito ay hindi maaaring hulihin ng Land Transportation Office (LTO), maging ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at iba pang mga ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng mga batas trapiko, sa paglabag sa “number coding.”

Samantala, kaakibat ng special permit ang pagtatalaga ng mga terminal bilang mga “pick-up and drop-off point” para sa mga pasahero na nais magtungo sa nasabing laro.

Kabilang dito ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parañaque City; Trinoma sa Quezon City; SM Mall of Asia sa Pasay City; One Ayala Terminal sa Ayala Avenue, Makati City; Cloverleaf Ayala sa A. Bonifacio Avenue, Quezon City; Market! Market! sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City; Araneta City, Cubao, Quezon City; at SM Clark sa Angeles, Pampanga.

“Nakikiisa po ang LTFRB sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtitiyak na magiging maayos ang pagdaraos ng makasaysayang pandaigdigang patimpalak na ito ng basketball sa ating bansa,” pahayag ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us