QC LGU, nagtalaga ng traffic enforcers para tumulong sa pagmamando ng trapiko sa 2023 FIBA World Cup opening

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutulong rin ang Quezon City local government para masiguro ang maayos na pagbubukas ng 2023 FIBA Basketball World Cup ngayong araw.

Pinakilos na ng pamahalaang lungsod ang Traffic and Transport Management
Department (TTMD) nito para magtalaga ng mga traffic enforcer para umalalay sa mga motoristang dadaan sa mga kalsada papunta o paalis sa venue ng mga laro.

Ayon kay Dexter Cardenas, OIC ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), nagpakalat ito ng tinatayang 400 QC traffic enforcers sa strategic areas patungo sa venue kabilang ang naka-deploy ang mga ito sa ilang strategic areas gaya ng Ayala, Balintawak, Trinoma, Araneta Center, Aurora Boulevard, Cubao, Mindanao Avenue, Congressional Avenue, at North Avenue.

Hindi pa kasama rito ang mga tauhan ng barangay at iba pang Law and Order Cluster members ng QC government na io-augment din.

Kaugnay nito, nag-abiso naman ang pamahalaang lungsod na wala munang biyahe ang Quezon City Bus ngayong araw, sa bisa na rin ng Memorandum Circular No. 27 na inisyu ng Malacañang at maging sa Lunes, August 28 na isang regular holiday. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us