Ibinahagi ni Senador Francis Tolentino na nangako ang bansang India na suportahan ang claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Gayunpaman, nilinaw ni Tolentino na ang antas ng suportang binibigay ng India sa ating bansa ay hindi pa umaabot sa puntong magkakaroon sila ng joint patrol sa ating bansa.
Sinabi ng senador na sa ngayon ay kaakibat natin ang India sa ating international diplomatic efforts.
Pumapanig aniya ang India sa atin dahil naniniwala silang tama ang ginagawa ng Pilipinas.
Dinagdag rin ni Tolentino ang posibilidad na tulungan tayo ng India pagdating sa suplay ng bigas.
Aniya, kung sa West Philippine Sea nga ay nais tayong tulungan ng India ay may posibilidad na tulungan rin nila ang ating bansa sa suplay ng bigas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion