Aminado si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na hamon para sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagbibigay ng disenteng living wage para sa mga manggagawa.
Ayon kay Laguesma, kasama sa kailangan ikonsidera sa taas sahod ang kakayanan ng mga negosyo na ipatupad ito.
Kaya naman maliban sa wage increase ay nagpapatupad aniya sila ng non-wage intervention gaya ng livelihood programs.
Sabi naman ni National Wages and Productivity Commission Executive Director Maria Criselda Sy, bagamat batid na dahil sa inflation ay humihirit ng taas sahod ang mga manggagawa ngunit hindi aniya ito ang palaging solusyon.
Sa kasalukuyan, nasa ₱573 hanggang ₱610 ang minimum wage rate sa Metro Manila na para sa ilang mambabatas ay kulang dahil sa taas ng presyo ng bilihin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes