Pagbubukas ng klase sa 10 EMBO barangays handa na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang linggo bago ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan, handa na ang mga estudyante ng Taguig kasama ang mga mula sa 10 EMBO barangays.

Nasimulan na rin kasi nila ang pamamahagi ng school packages sa mga estudyante.

Ang school package na ibinibigay ng Taguig LGU sa mga paaralan ay nakadepende sa grade level ng mga estudyante, ang bawat school package ay kinabibilangan ng bag, daily at PE uniforms, medyas, black shoes, rubber shoes, at kumpletong set ng basic school supplies, meron ding hygiene kit.

Si Taguig Mayor Lani Cayetano ang nanguna sa pamamahagi ng school packages sa mga estudyante.

Kasabay nito, inilunsad ng Taguig ang kanilang Lifeline Assistance for Neighbors In-need Scholarship Program kasama na ang para sa mga estudyante ng EMBO.

Hindi raw magiging limitado sa 10% ng graduating class ang alok na scholarship ng Taguig bagkus bukas ito sa lahat ng year levels at hanggang sa nagrerebyu ng licensure examinations at post graduate studies.

May honor man o wala ang mga High School graduates ay maaring mag-apply ng ₱15,000 hanggang ₱50,000 kada taon.

Nasa ₱40,000 hanggang ₱50,000 naman kada taon sa mga gustong mag-aral sa premier colleges at universities at ₱15,000 sa mga gustong kumuha ng technical at vocational courses.

May assistance din para sa mga nagrerebyu ng Board at Bar Exams maging sa mga kumukuha ng Masters’ at Doctoral Degrees bukod pa ang para sa Thesis and Dissertation Grant. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us