Nakatakdang magsagawa ng send off ceremony bukas August 26, 2023, ang pamunuan ng Manila Police District para sa mga tauhan nito na sasabak sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay MPD PIO Chief Major Phillip Ines, mahigit isanlibong tauhan ng MPD ang kabilang sa nasabing send off ceremony.
Dagdag pa ni Ines, kasunod ng send off ceremenoy ay ang pag-activate sa August 27, 2023 ng mga COMELEC checkpoints partikular sa kahabaan ng España sa kanto ng Blumentritt.
Sa August 28, araw ng Lunes, ay ang opisyal na pagsisimula ng COMELEC gunban kung saan kaugnay pa rin ito ng BSKE. | ulat ni Lorenz Tanjoco