Balak ng Kongreso na maglagay ng cancer endowment fund sa ilalim ng pangalan ni pumanaw na Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople.
Sinabi ito ni Senate President Juan Miguel Zubiri matapos ang pagbisita nilang mga senador sa lamay ni Secretary Ople, kahapon.
Ayon kay Zubiri, ang pondong maiipon dito ay ibibigay sa mga mahihirap na pasyenteng may cancer para magamit sa kanilang pagpapagamot.
Paliwanag ng senate president, ito kasi ang pangarap ng pumanaw na kalihim bilang naranasan na nito kung gaano kamahal ang cancer treatment.
Pangungunahan aniya ng senado ang naturang pondo, at maging si House Speaker Martin Romualdez ay sumang ayon na rin dito.
Sinabi ng senador, na sa ngayon ay pinag-aaralan pa nila kung ilalagay ang naturang pondo sa ilalim ng Department of Health (DOH) o sa ilalim ng specialty hospitals gaya ng Philippine General Hospital (PGH).
Kinokonsidera aniya nila na maglaan ng P100 million bilang start up fund para sa cancer endowment fund. | ulat ni Nimfa Asuncion