Mga indibidwal o grupo na suportado ang development agenda ng pamahalaan, welcome sa PFP – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa lahat ng mga indibidwal at grupo na naka-suporta sa mga polisiya ng pamahalaan, at isinusulong rin ang mga layuning tinututukan ng gobyerno sa kasalukuyan.

“As the saying goes, politics is a game of addition. And so, whoever who cares to join us as part of a coalition, whoever cares to support our candidates in the upcoming elections. Well, of course, the first national election will be in ’25. Then, finally in ’28.” —Pangulong Marcos Jr.

Sa isang ambush interview sa Zambales, binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na hindi mahalaga ang kulay ng politika o partidong kinabibilangan ng isang indibidwal, hangga’t willing na tumulong ang mga ito sa pamahalaan, ay welcome sila sa PFP.

“Also in all of the political activities that we are doing and most importantly that they are behind the efforts of this government and in terms of trying to improve the economy, trying to hold down inflation. Right now, rice is our most critical problem and that’s something that we are attending to with all of the partners that we have both in government and in the private sector.” —Pangulong Marcos.

Katuwang ang pribadong sektor, binigyang diin ng Pangulo na nakatutok ang gobyerno ngayon sa pagpapaigting ng ekonomiya ng bansa, pagtugon sa inflation, at pagtugon sa problema ng bansa sa bigas.

“Kahit naman sino, kahit anong kulay ng kanilang politika, kung handa silang tumulong bakit hindi natin sila isasama? As long as they’re willing to help the government, as long as they’re willing to help us in pursuing and promoting the policies that we have created for our people, then of course they are welcome to join.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us