Drug den, binuwag ng PDEA sa Pampanga; Apat na katao, arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den sa Sta. Lucia resettlement sa Barangay San isidro, Magalang, Pampanga.

Ito ay nagresulta sa pagkaka-aresto ng apat na drug suspects, at pagkakasamsam ng humigit-kumulang na P102,000.00 halaga ng shabu.

Kinilala ang mga arestado na sina Benjamin Huit, 64 taong gulang, Randy Crusillo, 32 taong gulang, Crisanto Sibayan, 43 taong gulang, at Marconi Barrio, 53 taong gulang.

Nakuha sa drug raid ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 15 gramo, mga samu’t saring drug paraphernalia, at ang buy-bust money.

Ayon sa PDEA, aarestuhin lang sana nila ang isa sa mga suspek sa bahay nito pero sinalakay na ito matapos magsumbong ang mga residente tungkol sa nagaganap na pot session.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga arestadong suspek. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us