Visa waiver program para mga Pilipino patungong Guam, tinalakay ni Speaker Romualdez at ng Guam Visitors Bureau President

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-courtesy call kay Speaker Martin Romualdez ang President at CEO ng Guam Visitors Bureau President na si Carl Tommy Cruz Gutierrez.

Isa sa napag-usapa ng dalawang opisyal ay ang pagsusulong na mapabilang ang Pilipinas sa visa waiver program ng Guam-Commonwealth of the Northern Marianas Island o CNMI.

Sa kasalukuyan ay mayroong nakahaing House Resolution 332 sa Kamara, na nag-uudyok sa Department of Foreign Affairs na makipag-ugnayan sa US para mapasama ang Pilipinas sa 12 na pinapayagang pumasok sa Guam nang hindi na kailangan ng visa.

Sa ilalim ng visa waiver program, maaaring pumasok at manatili sa Guam ng hanggang 45 days ang mga biyahero mula Australia, Brunei, Hong Kong, Japan, Malaysia, Nauru, New Zealand, Papuan New Guinea, South Korea, Singapore, Taiwan at United Kingdom. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us