Pinuri ng mga senador ang rekomendasyon na inilabas ng Office of the Ombudsman tungkol sa sinasabing maanomalyang kontrata sa Pharmally pharmaceutical company ng mga COVID19 test kits.
Matatandaang nagkaroon ng marathon hearing ang 18th Congress Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa isyung ito pero tanging draft committee report lang ang nailabas dito.
Ayon kay kasalukuyang Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador Francis Tolentino, ang ruling na ito ng Ombudsman ay nagpapakita lang na maaari itong kumilos ng “motu proprio” kahit wala pang committee report.
Sinabi naman ni senadora Risa Hontiveros na ang desisyon ng ombudsman ay dapat magsilbing mahigpit na babala sa mga may balak na magbulsa ng pondo ng gobyerno
Pinagtataka naman ni Senador Chiz Escudero kung bakit hindi nakasama ang kasong plunder sa rekomendasyon ng Ombudsman na mga kasong dapat ihain sa mga sangkot isyu
Sinabi ni Escudero na nakapagtatakang graft lamang at hindi plunder ang isinampa sa mga sangkot gayong mahigit sa 50 million pesos ang sangkot na pondo sa kontrobersiya. | ulat ni Nimfa Asuncion