VP Sara Duterte, kumasa sa kahilingan ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na imbestigahan ang paggamit sa 2022 confidential fund ng OVP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang Office of the Vice President (OVP) sa rekomendasyon ni ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa pag-imbestiga ng Commission on Audit (COA).

Ito ay may kinalaman sa paggamit ng 2022 confidential fund ng OVP.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ngayong araw ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na seryoso ang mga alegasyon ni Castro hinggil sa paggamit ng 2022 confidential fund ng OVP.

Ayon kay VP Sara, hindi rin nararapat ang paliwanag ngayon kay Castro kaugnay paggamit ng nasabing pondo.

Dagdag pa ng Pangalawang Pangulo, lumikha si Castro ng mga mabibigat na akusasyon laban sa OVP at laban kay VP Sara na nakahandang naman sagutin sa oras na matapos ang imbestigasyon ng COA at sa budget hearing.

Pasaring pa ni VP Sara kay Castro na sana ay masiyahan ito pagsusulong na maalis siya o ma- impeach sa kanyang puwesto. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us