Dumating na sa bansa ang 50 pinauwing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Kuwait.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang mga distressed OFWs ay lulan ng Flight GF154 ng dumating sa NAIA Terminal 3.
Pagdating sa airport, agad silang inasikaao ng OWWA, binigyan ang ito ng food assistance, hotel accommodation at transportation assistance para makauwi sa kani-kanilang probinsya.
Tiniyak ng OWWA na handa rin silang magkaloob ng financial assistance sa mga OFWs kung kinakailangan.
Karamihan sa mga nagsiuwiang OFWs ay biktima ng pagmamalupit ng kanilang amo, mga hindi na natapos na kontrata, mga runaway at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer