Yellow Warning level, itinaas na sa Cagayan at Isabela dahil sa malakas na pag ulan dulot ni bagyong #GoringPH -PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakararanas na ng matinding pag-ulan sa ilang bahagi ng Northern Luzon dahil sa bagyong #GoringPH.

Sa inilabas na Heavy Rainfall Warning ng PAGASA, itinaas na sa Yellow Warning Level ang Cagayan at Isabela.

Dahil sa nararanasang malakas na ulan posible ang mga pagbaha at landslide sa mga flood at landslide-prone areas.

Light to moderate rains naman na paminsan ay malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras sa Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Abra, Apayao, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

Batay sa pinakahuling ulat ng PAGASA, ang bagyong #GoringPH ay naging Super Typhoon na habang nasa coastal waters ng Palanan, Isabela.

Taglay nito ang lakas ng hangin ng hanggang 185 km kada oras malapit sa gitna at bugso ng hanggang 230 km kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa extreme Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan)

Signal no. 2

Eastern portion ng mainland Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana), ang eastern portion ng Isabela (Dinapigue, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Benito Soliven, San Mariano), at extreme northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

Signal no. 1

Babuyan Islands, the rest of mainland Cagayan, the rest of Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, the eastern portion of Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan), the eastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui), the northeastern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal), the northern and central portions of Aurora (Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis), Polillo Islands, and Calaguas Islands. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us