Mga LGU sa Cagayan Valley Region, pinaghahanda ng DILG sa bagyong #GoringPH

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local chief executive sa Cagayan Valley Region at sa iba pang rehiyon na maging handa sa panananlasa ni bagyong #GoringPH.

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, kailangan na nilang magpatupad ng mga hakbang alinsunod sa Operation Listo disaster preparedness manual ng Departamento.

May direktiba na rin ang kalihim sa DILG Region 2 Office na isaaktibo na ang Emergency Operations Center (EOC) at Disaster Online Reporting and Monitoring System (DORMS).

Para sa mga LGU, kailangan na nilang ipatawag ang kanilang local disaster risk reduction & management councils (DRRMCs) para magsagawa ng pre-disaster risk assessment at pag-activate na rin sa barangay DRRMCs.

Base sa datos, may 1,481 barangays mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula ang tinukoy ng Mines and Geosciences Bureau na mataas ang panganib sa mga pagbaha at landslide. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us