Dumami na naman ang karagatan sa bansa na kontaminado ng toxic red tide.
Mula sa dalawang coastal water na natitirang positibo sa toxic red tide, nadagdagan na naman ito sa siyam pang karagatan na apektado.
Base sa inilabas na shellfish bulletin no.20 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kontaminado na ng Paralytic Shellfish Poison ang coastal waters ng Saplan Bay (Ivisan at Saplan) sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan; coastal waters ng Panay; President Roxas; Roxas City sa Capiz; coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo; at coastal waters ng Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan.
Nananatili namang positibo sa toxic red tide ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur.
Lahat ng uri ng shellfish at alamang mula sa nabanggit na lugar ay hindi ligtas sa human consumption.
Ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta’t linisin lang ng mabuti bago iluto. | ulat ni Rey Ferrer