Quezon solon, hinikayat ang MARINA at PCG na magtalaga ng maritime safety officers sa mga bayan na may daungan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Quezon Rep. Mark Enverga ang MARINA at Philippine Coast Guard na magtalaga ng deputized maritime safety officers sa mga lungsod, bayan, at barangay na may daungan.

Katuwang ang lokal na pamahalaan, ay maisasailalim aniya sa traning at deployment ang deputized maritime safety officers.

Ang panawagan ng mambabatas ay matapos isang bangka ang lumubog sa Polillo Island kamakailan.

Maliban dito, maigi rin aniya kung ang TESDA at Maritime Training Council ay bumalangkas ng competency standards at magpatupad ng libreng training programs at certification ng technical competency na akma para sa mga lokal na marino lalo na iyong mga nagtatrabaho na o magtatrabaho pa lang sa mga motorized banca.

“Coordinated dapat ito sa mga local government units para maging maayos ang training at deployment ng mga deputized maritime safety officers. Habang ginagawa pa ang mga training program at policies, paunang hakbang na maaaring gawin ng Philippine Coast Guard ay mag-deploy ng mga coast guard auxiliary sa mga daungang tulad ng nasa Polillo, Quezon, Binangonan, at Talim Island sa Rizal,” ani Enverga.

Isa pa sa mungkahi ng mambabatas ay gawing permanente ang pre-departure briefing sa mga pasahero ukol sa tamang pagsusuot ng life vest at water safety at emergency procedures bago pumalaot ang anumang passenger banca.

Pinatutulungan din ng kongresista sa Small Business Corporation ang mga operator ng mga motorized passenger at cargo banca para makapagpundar sila ng life vests. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us