Creatives Industries panel Chair, pinasalamatan si PBBM sa pagsasabatas ng Cultural Mapping Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang pasasalamat ni House Special Committee on the Creative Industries Chair Christopher de Venecia kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr sa pagsasabatas nito ng RA 11969 o Cultural Mapping Law.

Ayon sa mambabatas, isang tagumpay para sa cultural at heritage sector ng bansa aniya’y landmark legislation.

Sa paraang ito ay mapo-protektahan at ma-pepreserba ang mayamang kasaysayan at kultura ng bansa.

“The bill’s enactment into law underscores our nation’s commitment to safeguarding our traditions, history, and identity for the present and future generations. Cultural mapping is not just about preserving our past, it is also about shaping our shared future. It is not just about recording and monitoring the historical sites and artifacts, it is also about understanding the soul of the community.” sabi ni de Venecia.

Sa ilalim ng batas, titiyakin na ma-preserba ang cultural heritage ng bansa upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga ang mga kabataan at susunod pang henerasyon.

Bahagi ng programa ang pagbibigay ng technical at financial na tulong sa mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng imbentaryo ng lahat ng locally at nationally declared cultural properties sa kanilang nasasakupan.

Pinasasama rin ng panukala sa basic education curriculum ang pagtuturo ng national cultural treasures at mga mahahalagang cultural property sa iba’t ibang panig ng bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us