Kinumpirma ni Commission on Appointments Assistant Majority leader at Surigao del Sur Rep Johnny Pimentel na sa susunod na linggo ay haharap sa makapangyarihang CA si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr.
Ani Pimentel, August 30 nakatakdang pagdebatihan ng CA ang promotion ni Brawner bilang Chief of Staff na may ranggong four-star general.
Ang Committee on National Defense ng CA sa pangunguna ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo ang magsasagawa ng confirmation hearing para sa ad interim appointment ni Brawner.
Matatandaang July 21, pinangalanan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang heneral bilang bagong AFP chief kapalit ni Gen. Andres Centino na ngayon ay Presidential Adviser on the West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Jean Forbes