Dumadagsa na ang ilang mga groupo ng iba’t ibang barangay sa lungsod ng Taguig para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) dito sa lungsod ng Taguig.
Kabilang na rin dito ang napabilang na sampung embo barangays na nakatakda namang maghain ng COC sa lungsod ng taguig na napabilang sa hurisdiksyon nito.
Samantala inaasahan naman ng COMELEC-Taguig na patuloy na dadagsa ang ilang pang mga kandidato sa mga susunod na oras. | ulat ni AJ Ignacio