Nasa 100 Overseas Filipino Workers ang na-repatriate ng Overseas Workers Walfare Administration (OWWA) sa bansa.
Sakay ng Saudia Airline ng Flight SV870 at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kung saan dumaan sa briefing ang mga naturang OFWs para sa kanilang programang martatanggap mula sa national government.
Sasagutin ng OWWA ang kanilang food at accomodation at pagkakalooban ng financial assistance, maging ang pamasahe pauwi sa kani-kanilang tinitirahan. | ulat ni AJ Ignacio
📸: OWWA