Ipinabalik ng Commission on Election (COMELEC) ang ilang Certificate of Candidacy (COC) sa mga naghain ng kanilang kandidatura kanina.
Ito ay dahil marami ang mga kulang sa ibinigay na datos ng mga naghain ng kandidatura.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi tinanggap ng kanilang mga tauhan ang ilang COC dahil agad itong nakitaan ng mga paglabag tulad ng walang pirma, hindi notaryado, mali ang sukat ng ID photo.
Mayroon ding naghain ng COC sa pagiging SK Chairman at SK Kagawad ngunit hindi rin tinanggap dahil overage na ang mga ito.
Muling ipinaalala ni Garcia, magiging mahigpit sila sa pagtanggap ng mga COC at hindi sila papayag na magkaroon ng mga makakalusot. | ulat ni Michael Rogas