Umano’y pangingialam ng MBC sa desisyon ng Ombudsman, pinuna ng isang commuter’s group; Gadon, suportado si Martires

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuna ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang umano’y pananawsaw ng Makati Business Club (MBC) sa mga desisyong inilabas ng Office of the Ombudsman.

Ito kasunod ng naging pahayag ng MBC na pinarerekonsidera nito kay Ombudsman Chief Samuel Martires ang desisyong sibakin na sa serbisyo sina Manila International Airport Authority (MIAA) acting general manager Cesar Chiong at acting assistant general manager Irene Montalbo, dahil sa kasong ‘grave abuse of authority’.

Giit ni Atty. Ariel Inton, presidente ng LCSP, walang kinalaman at hindi na dapat nangingialam ang Makati Business Club sa kaso.

Aniya, tanging sina Chiong at Montalbo lamang ang maaaring umapela sa Ombudsman sa pamamagitan ng paghahain ng Motion for Reconsideration.

Kasunod nito, sinabi ni Inton na panahon na para magkaroon ng ‘kamay na bakal’ sa pagpapatakbo sa DOTR para hindi na maulit pa ang naging karanasan sa MIAA.

Samantala, naghayag naman ng suporta kay Ombudsman Martires si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Sec. Larry Gadon, sa desisyon nito sa kaso nila Chiong pati na si dating Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) head Lloyd Christopher Lao.

“I know that OMB Martires is apolitical as his decisions are based on the merits , facts and evidence and beyond personal biases,” ang sabi ng Kalihim.

Para kay Gadon, ang desisyon ng Ombudsman na tanggalin na sa serbisyo ang mga gaya ni Chiong ay di lamang binase sa aspetong kriminal, kundi sa kapabayaan ng opisyal na nagbunga ng malaking kasiraan sa pamahalaan.

“It may be based also on incompetence or acts of omissions the effect of which resulted to irreparable damage to the public and the government . So even if the official is not criminally charged nor proven guilty as yet , the official may still be removed for utter lack of competence or lack of responsibility and due diligence on performing his functions . More so if the acts or omissions have inflicted great damage to the public,” paliwanag ni Gadon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us