Sa ikatlong araw kahapon ng opisyal na pabubukas ng kapistahan ng “Kalivungan 2023,” muling binisita ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang “MuseyoKutawato” na ipinagdiwang din bilang MuseyoKutawato Fest.
Dito, nilinaw ng gobernadora sa mga bumisita sa museyo ang kahalagahan nito para sa pagpapanatili ng mga impormasyon kaugnay sa aniyang magandang kasaysayan, tradisyon, kultura at iba pang suma-salamin sa lahing Cotabateño.
Dagdag pa ni Gov. Mendoza, ang mga impormasyong iniingatan sa museyo ay naglalaman ng mga pinagdaanan at mga kaparaanan ng probinsya na nagbunga ng pagkakaisa sa tatlong uri ng mga mamamayang
nakatira sa lalawigan.
Ayon kay Gov. Mendoza, ang mapayapang paninirahan ng mga Kristiyano, Muslim at Indigenous People ay ang dahilan ng pag-unlad ng lalawigan.
Hinimok ng governor ang lahat na ipagpapatuloy ang pag-ambag ng kasaysayan ng lalawigan para sa mga bata.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao