Bunsod ng nararanasang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Goring, kinansela na ni Governor Manuel Mamba ang klase sa lahat ng antas, mapa-pampubliko man o pribadong paaralan bukas, August 29, 2023.
Ang suspensyon ng pasok sa eskwela ay pagsang-ayon ng gobernador sa rekomendasyon ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), upang mailayo sa peligro at panganib ang mga mag-aaral dahil sa patuloy na banta ni bagyong #GoringPH.
Mananatili ang suspensyon hangga’t hindi ito binabawi ng Tanggapan ng Gobernador.
Hanggang nitong alas-2:00 ng hapon, umaabot na sa 17 bayan ang binaha kung saan nasa 2,343 ang apektadong pamilya. | ulat ni Dina Villacampa | RP1 Tuguegarao