77 kandidato para sa BSKE, nakapag-file na ng COC sa Jolo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maayos naman nakapag-file ng kanilang certificate of candidacy (COC) ang ilang mga kakandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE) sa bayan ng Jolo sa buwan ng Oktubre taong kasalukuyan.

Base sa ipinalabas na listahan ni OIC Election Officer Sharif Ututalum ng COMELEC Jolo, nasa 77 na ang nag-file ng COC sa unang araw pa lang ng COC filing ngayong ika-28 ng Agosto.

Sa nasabing bilang, anim dito ang kandidato para sa Barangay Chairman, 44 na Barangay Kagawad, apat na Sangguniang Kabataan Chairman at 23 ang Sangguniang Kabataang kagawad.

Samantala, ang mga barangay naman na nag-file ng COC ay ang Barangay Takut Takut: incumbent barangay chairman at limang barangay kagawad; Barangay Walled City: dalawang barangay chairman,13 barangay kagawad, isang SK chairman at pitong SK kagawad; Barangay Tulay: isang barangay chairman at pitong barangay kagawad; San Raymundo: isang barangay chairman, pitong barangay kagawad, isang SK chairman at anim na SK kagawad; Barangay Alat: isang barangay chairman, limang barangay kagawad, isang SK chairman at tatlong SK kagawad; Barangay Chinese Pier, isang barangay chairman, pitong barangay kagawad, isang SK chairman at pitong SK kagawad.| ulat ni Fatma Jinno| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us