VP Sara Duterte, kinilala ang mga nagawa ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa ngayong National Heroes Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mga sakrispiyo ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng bansa ngayong National Heroes Day.

Sa mensahe ni VP Sara, kinilala nito ang sakripisyo ng mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. de Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino, at Gabriela Silang.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, ang kanilang tapang at pagmamahal sa bansa ang nagsimula ng rebolusyon noong 1896.

Inaalala din ni VP Sara ang kabayanihan ni Datu Lapulapu sa Labanan sa Mactan, na nagresulta sa pagkamatay ng mananakop na si Ferdinand Magellan noong 1521.

Hinikayat din ni VP Sara, na gawing ehemplo ang buhay ng mga nasabing bayani sa pagpapalaki ng mga bagong henerasyon na may matapang at may pagmamahal sa bayan. Sa huli, hinimok ng Pangalawang Pangulo ang lahat na maging matatag tungo sa bansang makabata at batang makabansa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us