Mga paaralan sa QC, handa na sa pagbubukas ng klase bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa ang Pinyahan Elementary School sa Quezon City ang handa na sa unang araw ng pasukan ng klase bukas, Agosto 29.

Ayon kay Ginang Aireen Dulfo, Principal ng eskwelahan, kabuuang 2,400 na mag-aaral mula kinder hanggang grade 6 ang naka-enroll para sa School Year 2023-2024.

Naipamahagi na rin ang mga learning material at school bags para sa mga mag aaral, mula sa lokal na pamahalaan.

Bagamat may problema pa sa kakulangan ng classroom, nagagawan pa ito ng paraan ng pamunuan ng eskwelahan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us