Nagpaabot ng pagbati at papuri si Manila Representative Joel Chua sa kanyang kababayang si EJ Obiena matapos nitong masungkit ang silver medal sa Athletics World Championship.
Ayon kay Chua, ipinakita ni Obiena kung gaano na kalaki ang kaniyang pinagbago at paano pa niya napaghusay ang galing sa pole vault.
Maliban sa silver medal ay nagawa ring higitan ni Obiena ang kaniyang personal best na 6.0 meters.
Dahil dito, kumpiyansa ang mambabatas na kakayanin ni Obiena na masungkit ang target na gold medal finish sa Paris Olympics 2024. | ulat ni Kathleen Forbes