PNP Chief sa mga bagong pulis-opisyal, maghanap ng ibang trabaho kung magkakalat

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga bagong tinyente ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidtalak” Class of 2023 na maghanap na lang ng ibang trabaho kung dumating ang panahon na magsawa na sila sa paglilingkod at magkalat sa serbisyo.

Ang paalala ay ginawa ng PNP Chief sa Badge Ceremony para sa mga bagong pulis-opisyal sa Camp Crame kahapon.

Dito’y ipinaalala ni Gen. Azurin sa mga batang opisyal ang kanilang commitment at responsibilidad sa pagsusuot ng tsapa ng pulis at ang oportunidad na ibinigay sa kanila na pagsilbihan ang mga mamamayan.

Binilinan din ni Azurin ang mga batang opisyal na maging istrikto sa pagdisiplina sa kanilang mga tauhan, dahil mapuputukan din ang mga nakatataas sa kalokohang ginagawa ng mga mas mabababang pulis.

Nasa 186 na miyembro ng PNPA Masidtalak Class ang tumuloy sa PNP, 11 ang pumasok sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at 11 ang sumali sa Bureau of Fire Protection. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us