Isang lalaki, arestado sa paglabag sa Comelec gun ban sa Pasig City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang lalaki ang arestado ng mga tauhan ng Pasig City Police Station sa paglabag sa Commission on Elections o Comelec checkpoint sa Barangay Bagong-Ilog, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Shem Ismael, 25 taong gulang na residente ng Barangay San Joaquin, Pasig City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-12:50 kaninang hapon dumaan sa checkpoint ang suspek sakay ng motorsiklo.

Imbes na tumigil ay nagtangka ang suspek na tumakas kasama ang angkas nitong babae na 16 taong gulang.

Dito na natuklasan ng mga awtoridad ang dalang kalibre 38 na baril at bala ng suspek.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act Number 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, paglabag sa Omnibus Election Code, at Resistance and Disobedience. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us