Barangay chairman sa Libon, Albay, patay sa pamamaril sa unang araw ng election period

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay sa pamamaril ang isang Barangay chairman sa Libon, Albay matapos na maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) kahapon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Alex Repato, 51, kasalukuyang chairman ng Barangay San Jose sa naturang bayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente bandang alas-singko ng hapon kahapon nang papasok na sa kanyang tahanan si Repato matapos na mag-file ng COC sa lokal na tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).

Nagtamo ang biktima ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinasawi nito, matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklo.

Agad naglunsad ng hot pursuit operations ang 1st Albay Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 5 laban sa mga salarin; habang nagsasagawa ng follow-up investigation sa insidente ang Libon Municipal Police Station.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us