May 32 local government units sa probinsya ng Iloilo kabilang ang lungsod ng Iloilo ang nagpahayag ng ‘class suspension’ sa August 29 dahil sa walang tigil na pag-ulan dala ng Bagyong #GoringPH at 22 LGUs naman sa Negros Occidental.
Sa Iloilo, ang apat na LGUs ang suspendido ang klase preschool hanggang senior high school, ito ay ang Iloilo City, Ajuy, Pavia at Miagao.
Ang mga nag-anunsyo na walang pasok sa lahat ng antas sa pribado at publiko na eskwelahan ay ang Sara, Cabatuan, Zarraga, Maasin, Oton, Janiuay, Santa Barbara, San Miguel, New Lucena, Alimodian, Ajuy, Pavia, Miagao, Badiangan, Anilao, Leon, Dumangas, Lemery, San Dionisio, Igbaras, Mina, Leganes, Bingawan, Tigbauan, San Enrique, Anilao, Lambunao at Tubungan.
Sa Negros Occidental, ang LGUs na nag-anunsyo na walang pasok sa lahat ng lebel sa publiko at pribado na eskwelahan ay ang Bacolod City,E.B. Magalona, Moises Padilla, Isabela, La Carlota City, Bago City, Murcia, Don Salvador Benedicto, Hinigaran, Pulupandan, Cauayan, Kabankalan City, Himamaylan City, Talisay City, Pontevedra, La Castellana, Binalbagan, Victorias City, Silay City, Calatrava, Escalante City, at Hinoba-an.
Ang mga LGU naman na nagdeklara ng work suspension sa mga opisina ng gobyerno ay ang Bacolod City, Provincial government offices, Moises Padilla, E.B. Magalona, La Carlota City, Bago City, Murcia, Himamaylan City, Pontevedra at Silay City.| ulat ni Elena Pabiona| RP1 Iloilo