Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa 85 porsyento mula sa kabuuang 400 dayuhang barko sa West Philippine Sea (WPS) ay pagmamay-ari ng mga Tsino. Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. batay sa naging ulat sa kaniya ni Western Command (WESCOM )Chief, VAdm. Alberto Carlos. Tugon ito ni Brawner sa naunang ulat ng isang United States Maritime Security Expert na may aabot sa 21 mga Chinese Maritime Militia ships ang naispatan sa karagatang malapit sa Pag-asa Island na bahagi ng teritoryo ng bansa. Magugunitang nitong weekend lamang nang kumpirmahin ni Brawner na may isa na namang barko ng Tsina ang tila sumusunod sa barko ng Pilipinas kasunod na rin ng matagumpay nitong re-supply mission sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.| ulat ni Jaymark Dagala