Sen. Bong Go, kontento sa hosting ng Pilipinas ng FIBA World Cup

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kontento si Senate Committee on Sports Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa hosting ng Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup.

Para sa senador, so far so good naman ang hosting ng ating bansa.

Bukod sa matagumpay na mga laro, ikinakagalak rin ni Go na sa pamamagitan ng hosting na ito ay naipapakita natin sa mga dayuhang bisita ang ganda ng Pilipinas.

Ipinunto ng mambabatas na nahihikayat rin natin ang mga turista at mga investor na mamuhunan sa ating bansa.

Maganda rin aniya ang suporta ng mga Pilipino sa FIBA World Cup events, lalo na sa mga laro ng ating pambatong Gilas Pilipinas.

Sa kabila ng resulta ng dalawang naunang laro ng Gilas, binigyang diin ni Go na may pag-asa pa kung mananalo ang Gilas ngayong araw sa laban nito kontra sa koponan ng Italy.

Kaya naman nanawagang muli ang senador sa lahat ng mga Pilipino na patuloy na suportahan ang Gilas Pilipinas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us