Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng bagyong Goring.
Sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), as of August 28 ay umakyat pa sa 6,390 pamilya o katumbas ng 21,379 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa apat na rehiyon kabilang ang Regions 1, 2, 3, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Kaugnay nito, umakyat na rin sa 838 na pamilya o 2.471 indibidwal ang nananatili sa 71 itinalagang evacuation centers. Habang mayroon ding higit 1,000 pamilya ang pansamantalang nakitira muna sa kaanak.
Kaugnay nito, tuloy-tuloy naman ang buhos ng tulong ng DSWD katuwang ang mga lokal na pamahalaan at NGOs sa mga apektadong residente.
Sa pinakahuling tala ng kagawaran, aabot na rin sa halos kalahating milyon ang naipamahagi nitong relief assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa