VP Sara, hinikayat ang mga sundalo na maging matatag sa harap ng mga hamon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mga sundalo na ipagpatuloy ng mga ito ang pagiging haligi ng katatagan at maging daan para sa mas mapayapa at matatag na sambayanan.

Kasunod nito, sinabi rin ni VP Sara na kapuri-puri ang ginagawa ng mga sundalo na tumutupad sa kanilang tungkulin sa kabila ng mga hamong kanilang kinahaharap.

Binigyang diin pa ng Pangalawang Pangulo na hangad niya ang taas-noong harapin ang mga pagsubok ng may pananalig, tapang, pagkakaisa at pagmamahal sa bayan.

Saludo aniya siya sa dedikasyon at batid din niya ang hirap ng mga sundalo na sumusuong sa pakikibaka upang maipagtanggol ang bansa.

Ginawa ni VP Sara ang pahayag nang dumalo ito sa ikinasang okasyon ng pahayagang the Manila Times na nagbibigay pagkilala at parangal sa mga natatanging sundalo. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us