IRR ng Maharlika Investment Fund, inilabas na – Secretary Diokno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ngayon ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na inilabas na ng Bureau of Treasury ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ang IRR ay ang panuntunan para sa operasyon ng Maharlika Investment Corporation (MIC), ang “sole entity” na mamamahala sa MIF.

Sa Viber message ni Sec. Diokno sa media, ang IRR ay epektibo na sa September 12, 15 araw matapos ang publication nito. Ibig sabihin, maaari nang simulant ito bago matapos ang taon.

Ang IRR na binuo ng technical working group ay na-transmit sa National Printing Office (NPO) noong August 22, at inilabas sa Official Gazette noong August 28.

Matapos ang limang araw na pagpapatupad ng IRR, ay otomatikong ililipat na ng Landbank at Development Bank of the Philippines (DBP) sa Bureau of Treasury ang kanilang contribution sa MIC  bilang initial capital ng MIF.

Ito ay nagkakahalaga ng P125 billion, tig P50 billion ang Landbank at National Government habang P25 billion naman mula sa DBP.

Ngayong nai-publish na ang IRR ay maaari nang tumanggap ang advisory body ng nominasyon at aplikasyon para sa key position ng MIC. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us