20% discount sa pasahe para sa mga estudyante, patuloy na ipinatutupad sa mga pampublikong sasakyan – DOTr

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ngayong balik-eskwela na ang mga mag-aaral, nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) na epektibo pa rin ang 20% discount para sa mga mag-aaral na sasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Ito ay batay sa Republic Act 1134 o ang Student Fare Discount Act na inaprubahan noong April 17, 2019.

Kaugnay nito ay may 20% discount ang mga estudyante sa mga jeep, bus, taxi, LRT, MRT, PNR, eroplano, at pampasaherong barko.

Ayon sa DOTr, dapat bigyan ng diskwento ang mga mag-aaral kahit pa weekend, holiday, summer o semestral break.

Kinakailangan lamang ipakita ang student ID para makapag-avail ng discount. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us