Inaprubahan ng House Committee on Public Information ang consolidation ng tatlong panukalang batas na naglalayong gawing accessible sa publiko ang mga government information.
Ayon sa Committee Chair at Agusan Del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino II, ang naturang mga panukalang batas ay nag-aatas na gawing klaro at madaling maintindihan na government documents upang mabilis na maunawaan ng publiko.
Layon nitong itaguyod ang transparency at pagpapahusay ng access ng mga mamamayan sa impormasyon at serbisyo ng pamahalaan.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang Presidential Communication Office (PCO) upang asistihan ang komite sa pagpapalaganap ng impormasyon mula pambansang batas at lokal na ordinansa.
Inaprubahan din ng House Panel ang paglikha ng technical working group na pamumunuan ni Agusan Del Norte 2nd District Rep. Dale Corvera.| ulat ni Melany V. Reyes