Kamara pinagtibay ang resolusyon ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Secretary Ople

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon na nagpapahayag ng pagdadalamhati at pakikiramay sa pagpanaw ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Maria Susana “Toots” Ople.

Salig sa House Resolution 1226, kinilala ang mga nagawa ni Ople na siyang pangulo at founder ng Blas F. Ople Policy Center and Training Center, isang non-profit organization na nagtataguyod sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Maaalala umano ang dating kalihim bilang isang tagapagsulong sa laban kontra illegal recruiter at tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga OFW at buong labor industry ng bansa.

Si Ople ang unang kalihim ng DMW na nagbigay-daan upang maitaguyod nito ang adbokasiya ng kanyang ama na si dating Senate President at Labor Secretary Blas Ople na kinikilala bilang Father of Overseas Employment sa Pilipinas at Philippine Labor Code.

Si Ople ay pumanaw noong Agosto 22 sa edad na 61. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us