Muling paggamit ng batuta at pito ng mga pulis, isinusulong ni Sen. Bato dela Rosa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Minumungkahi ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ibalik ng pambansang pulisya ang paggamit ng mga batuta at pito.

Ito ay para aniya maiwasan na hindi magpaputok ng baril ang mga pulis sa paghahabol ng mga kriminal o paninita sa kalsada.

Sa pagdinig ng Senate panel ngayong araw, pinunto ni Dela Rosa na sa ngayon kasi ay walang maituturing na less lethal weapon ang mga pulis kaya baril ang tanging nabubunot nila.

Personal na aniyang sinabi ng mambabatas ang suhestiyon niyang ito kay PNP Chief Benjamin Acorda Jr.

Kung hindi ito gusto ng mga pulis ay maaari naman aniyang gumamit ng baton, truncheon o lightstick.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us