Pagbabalik ng batuta at silbato ng mga pulis, kinokonsidera ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinokonsidera ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mungkahi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ibalik ang paggamit ng silbato at batuta sa mga pulis.

Ayon kay Gen. Acorda, napag-usapan nila ni Sen. Dela Rosa ang mga nakalipas na insidente kung saan namamaril agad ang mga pulis.

Isa aniya sa mga maaring dahilan nito ay ang kawalan ng ibang paraan ng mga pulis na magbigay ng “warning” sa mga suspek.

Paliwanag ni Acorda, kung bahagi ng uniporme ng pulis ang batuta at silbato, mayroon silang paraan para mag-establish ng Police presence na hindi kailangan agad bumunot ng baril.

Kaya pag-uusapan aniya nila ng Command Group at Directorate for Research and Development (DRD) ang suhestyon ni Dela Rosa, na nagsilbi bilang unang PNP chief sa nakalipas na administrasyon.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us