Panukala na bubuo sa Department of Water Resources, lusot na sa joint House panel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umusad na sa Kamara ang panukala na magtatatag ng Department of Water Resources. Ito’y matapos aprubahan ng Committees on Public Works at Government Reorganization ang National Water Act.

Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na siyang nanguna sa technical working group ng panukala, maliban sa pangangasiwa sa water resource ng bansa, ang itatayong bagong kagawaran ay makatutulong para tugunan ang problema ng pagbaha.

Sa ilalim nito magkakaroon ng iisang ahensya para sa paglalatag ng polisiya, pagpapatupad ng programa at pamamahala sa water at septage.

Ang Water Regulatory Commission, na isang quasi-judicial body ay bibigyan ng regulatory function, kasama ang pagtatalaga ng rates at pagbibigay ng lisensya.

Ang bubuoing National Water Resources Allocation Board naman ang magsisilbing approval body para sa paggamit ng water resources at pagtatayo ng dam.

Babalangkas din ng isang stormwater management framework at surface water development upang mabawasan ang groundwater use na siyang nagdudulot ng mga pagbaha. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us