AFP, nagpasalamat sa Commission on Appointments sa pagkumpirma ng 30 matataas na opisyal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Commission on Appointments sa pagkumpirma ng interim appointment at nominasyon ng 30 matataas na opisyal ng militar.

Ang mga nakumpirma kahapon ay pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

Kabilang din sa mga nakapasa sa Commission on Appointments ang isang koronel, 25 commodore at brigadier general, at dalawang major general.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil. Ileto, ang kumpirmasyon ng mga appointment ng Pangulo ay isang “constitutional exercise”.

Ito aniya ay nagpapakita ng pagkilala ng AFP sa “civilian supremacy over the military” na itinatakda sa konstitusyon. | ulat ni Leo Sarne

📷: PFC Carmelotes/PAO, AFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us